Wednesday, January 7, 2015

Isang Sulyap sa Manila Bay

Nalakbay na namin ng aking mga kamag-aral ang Intramuros at ngayon naman ay nahikayat kaming puntahan ang Manila Bay upang masaksihan ang kakaibang tanawin na nagpapadama ng kapayapaan at pagkalma. Dito sa Manila Bay, makakapag-isip ka ka ng maayos at mararamdaman mong maging malaya sapagkat napakalawak at maaliwalas tingnan ang tubig sa lawa at ang kaaya-ayang mga ulap.


Matatanaw mo rin ang ilang mga gusali at mga sasakyan pagtalikod mo sa lawa na nagpapakita ng ibang kahulugan ng larawan. 


Habang nagpapahinga kami, may nakita kaming nagtititinda ng sorbetes kaya naman, kaming magkakaklase ay di napigilang bumili at matikman ang sarap ng malamig na ice cream. Masaya kaming lahat sa araw na ito.






Pagtuklas sa Kasaysayan ng Intramuros

Kagalakan na may halong kaba ang aking naramdaman sa araw ng pagbisita ko sa isang makasaysayang pook sa Maynila kaya naman maaga akong gumising upang maihanda ko ang aking sarili para sa paglalakbay na ito kasama ang ilan sa aking mga kaklase.

Nakatakda kaming makita ang kagandahan at matuklasan ang kasaysayan ng pinakamatandang distrito ng Maynila na ang Intramuros.


Kilala rin ang Intramuros bilang Ciudad Murada o Walled City sapagkat sikat ito sa mga matitibay na pader na bato na pumapalibot halos sa buong distrito.



Masipag na nagbabantay ang mga gwardya na nasa Intramuros. Ito ay upang mapanatili ang pagtrato ng respeto sa makasaysayang pook, mapanatili ang kalinisan at makapagbigay ng impormasyon sa mga manlalakbay, tulad ko tungkol sa lugar. 



Dumayo naman kami sa Fort Santiago. Dito, may sinundan kaming golden steps ni Rizal at narating namin ang pwesto ng naging kulungan ni Rizal noong siya ay hinuli ng mga Espanyol. Kamngha-mangha ang mga ipastraktura sa loob ng Fort Santiago. 

Sa pagpunta namin sa Intramuros, nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala rin namin ang isa't isa. Tunay na kakaiba nga ang paglalakbay kapag may kasama kang masasayahing mga kaibigan. Naging kagalak-galak ang aming "bonding" sapagkat sama-sama naming natutunan ang kahalagahan at kultura sa pook na ito.